6.14.2006

Robinson Jeffers
Ngunit Ako'y Tumatanda at Nagiging Tamad
[Salin: Lamaw]

Binalaan na ako. Tatlumpong taon na ang lumipas mula nang ako'y magsulat—
Ginugunita ang aking mga tulang ginawa, na laging
Nagtatapos sa dugo at sakit, kahit di hamak namang maganda—ang aking pagod,
ang aking dugo,
Sila'y aking likha—Naunawaan ko ang mga bagay, at sinulatan ang sarili:
"Gumawa ng pag-aalay, isa kada taon, upang salamangkahin
Ang sindak palayo sa tahanan"—dahil ito'y nakabitin na parang espada
Sa ulo ng mga tao at mga kabahayan— "Itong kubo
Na itinayo ng sarili mong kamay sa kabilang karagatan
Sa tabi ng higanteng muog..." Kayat pinakinggan ko
Ang babala ng aking demonyo na darating ang kasamaan
Kung ako'y hihinto sa pagsusulat, kung hindi gagawa ng pag-aalay
Ng mga kuwento't bungang-isip na buhay, si Tamar at Kaydur
At ang kabiyak ni Turso—"mga likhang-diwa na biktima, tayo'y isasalba"—
Sigurado ako sa panahong iyon sa aking tadhana at dama
At pagbabantay ng aking mga tula sa aking tahanan, mga bantay-asong hinulma
Handang mangagat.

Ngunit sinipsip ng panahon ang dagta,
Ang tao'y tumatanda at nagiging tamad.

1963