5.29.2006

Ezra Pound
Kasunduan
[Salin: Lamaw]

Makikipagkasundo ako sa iyo, Walt Whitman—
Matagal-tagal na rin kitang kinamumuhian.
Lumalapit ako ngayon na isa nang binata
Na dati ay may isang baboy-ulong ama;
Nasa tamang gulang na upang makipagkaibigan.
Ikaw ang pumutol sa bagong kahoy,
Ngayo'y panahon na ng pag-uukit.
Iisa ang ating dagta at ugat—
Bubuksan natin ang kalakalan sa isa't isa.

1916

0 Comments:

Post a Comment

<< Home