5.29.2006

Dylan Thomas
Itong Tinapay na Aking Hahatiin
[Salin: Lamaw]

Itong tinapay na aking hahatiin ay dating butil
Itong alak mula sa malayong baging
Na sinisid sa kanyang bunga;
Ang tao sa araw o hangin sa gabi
Pinayuko ang taniman, winasak ang tuwa ng ubas.

Sa alak na ito minsang nanuktok
Ang tag-araw na dugo sa kalamnan ng baging,
Sa tinapay na ito minsang
Nakipaglaro ang butil sa hangin;
Winasak ng tao ang araw, giniba ang hangin.

Itong laman na iyong winasak, itong dugong pinaagos
Lilikha ng pangungulila sa kaugatan,
Ay butil at ubas
Anak ng karnal na ugat at katas;
Ininum mo ang aking alak, sinakmal ang pagkain.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home