5.28.2006

Countee Cullen
Ngunit Ako'y Namamangha
[Salin: Lamaw]

Walang duda na Diyos ay mabuti, mabait, naaawa,
At kung Kanyang pag-abalahan ay masasagot Niya bakit
Pinapatalon sa tubig ng parasitikong uod ang tipaklong,
Bakit naaagnas itong laman na sa Kanyang anyo nilikha,
Maipapaliwanag bakit ang pinahirapang si Tantalus
Ay tinutukso ng mga tusong prutas, at magpapatunay
Kung tanging kapritsong madilim ang naglagay kay Sisifus
Upang sa hagdanang walang-hanggan ay parusahan.
Hindi matarok ang Kanyang kagustuhan, at hindi nahahawa
Sa katekismo ng isipang puno ng walang-kuwentang bagay
Na hindi nakakaunawa, anong kilabot na utak
Ang tumutulak sa kasindak-sindak Niyang kamay.
Ngunit ako'y namamangha dito sa kakaibang bagay:
Likhaing itim ang makata, at utusang tumula!

1925

0 Comments:

Post a Comment

<< Home