5.28.2006

William Butler Yeats
Si Nenang Baliw Nakipag-usap Sa Obispo
[Salin: Lamaw]

Nasalubong ko ang Obispo sa daan
At marami kaming napag-usapan.
"Iyang mga suso'y lusyang,
Iyang kaugata'y masasayang;
Sa magarang mansyon manirahan
Huwag sa mabahong kulungan."

"Mabango at mabaho ay malapit na kamag-anak,
Kailangan ng mabango ang mabaho," wika kong galak.
"Mga kaibigan ko'y wala na, ngunit iya'y katotohanan
Na 'di pinabulaanan ng puntod at kama,
Na natutunan sa kababaang-loob ng katawan
At dangal ng kalooban."

"Ang babae ay taas-noo't kampante
Kung sa pag-ibig ang layon;
Ngunit itinayo ng Pag-ibig ang kanyang mansyon
Sa sulok ng dumi at tae;
Dahil walang naging ganap
Na hindi muna winasak."

1933

0 Comments:

Post a Comment

<< Home